Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na dose-dosenang baboy ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Sulop, Davao del Sur.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar, na aabot sa 42 bagong kaso ng ASF ang naitala sa Koronadal City.
Ayon kay Dar, galing ang mga baboy na ito sa Davao Occidental –kung saan idineklara ang ASF outbreak.
Pahayag ng opisyal, base sa isinagawa nilang tracing analysis, posibleng nangyari ang outbreak doon dahil sa mga ibinibigay na tira-tira pagkain na kontaminado ng ASF.
Agad namang ipinag-utos ng local government ng Sulop na suspindihin na ang operasyon ng auction market at i-disinfect ang nasabing lugar.