Dose-dosena na namang mga bangkang pangisda ng China ang na-monitor malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ito ang kinumpirma ng isang senior security official na kung batay sa pagsasalarawan ng mga dayuhan at lokal na defense security experts ang mga nakitang mga fishing vessel ay bahagi ng Chinese Maritime Militia ship.
Pinaniniwalaang kontrolado ang naturang mga bangka ng People’s Liberation Army Navy.
Hindi naman makumpirma kung ang bahagi ang nasabing mga bangka sa mahigit 250 fishing vessel na nakita sa Pag-asa island noong Mayo na sinasabing nang i-intimidate ng mga Pilipinong contractor ng Beach Ramp at Harbor ng isla.