Handa na ang Department of Science and Technology (DOST) sa pagbubukas ng bagong school year sa Agosto.
Ipinabatid ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na handa na ang campuses ng Philippine Science High School sakaling magpasya ang gobyerno na ibalik ang face to face classes o ipatupad ang distance learning.
Handa na aniya sa anumang uri ng pag aaral sa gitna na rin nang patuloy na paghahanda ng mga guro ng learning materials at kinu kunsulta na rin ang mga magulang.
Ayon kay Dela Peña magiging kada batch ang physical classes para matiyak na masusunod ang physical distancing at malimitahan sa labing limang estudyante ang papasukin kada klase.
Sakaling ipatupad ang distance learning sinabi ni Dela Peña na maglalabas ng online at printed materials ang pisay system para sa mga estudyante nito at mareresolba ang problema sa gagamiting computer o laptop bagamat magbibigay sila ng mga ito sa ilang estudyante nga lamang.