Hinihintay na lamang ng Department of Science and Technology na aprubahan ng Food and Drug Administration ang clinical trial para sa mix and match na bakuna laban sa Covid-19.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato De La Peña, pag-aaralan dito ang pagiging ligtas at epektibo ng magkakaibang brand ng mga bakuna sa una at ikalawang dose.
Aniya, aprubado pa lamang ito sa DOST- Vaccine Expert Panel, Single Joint Research Ethics Board at Site Institutional Review Boards.
Samantala, ikinokonsidera naman sa lungsod ng Marikina, Muntinlupa at Davao ang posibleng pilot implementation ng nasabing trial. —sa panulat ni Airiam Sancho