Isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) ang mas maraming wheat alternatives sa gitna ng pagtaas ng presyo ng harina dahil sa epekto ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Para mabawasan ang epekto ng kakulangan ng harina sa bansa, i-prenisenta ni DOST Secretary Fortunato De La Peña ang mga potential substitute sa wheat flour tulad ng kamote, kamoteng kahoy, saging at arrow root.
Binanggit din niya na ang DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay nakabuo ng non-wheat flour products gamit ang coco flour o harina na nagmumula sa mais, bigas, at mongo.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang kalihim sa mga regional office at partner state universities para sa naturang mungkahi. —sa panulat ni Airiam Sancho