Inihayag ng pamunuan ng Department Of Science and Technology (DOST) na malaki ang potensyal ng Virgin Coconut Oil (VCO) na magamit pangontra COVID-19.
Ito’y ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña hinggil sa ginawa nilang pag-aaral sa vco, lumabas anito na may properties ang VCO na mabisang panlaban o pangpuksa sa virus.
Mababatid na sa isang research na pinangunahan ni Dr. Fabian Dayrit lumabas na may mga ebidensya na sumusuporta na ang VCO ay may kakayahang labanan ang mga mild na kaso ng COVID-19.
Kung kaya’t umaasa ang DOST na makatutulong ang naturang pag-aaral sa global health community hinggil sa murang VCO na posibleng maging panlaban sa virus.