Maglalaan ng P5-milyon ang Department of Science and Technology (DOST) para sa programa nitong iFWD PH (innovation for Filipinos Working Distantly from the Philippines).
Layon ng iFWD PH na mabigyan ng oportunidad ang mga overseas Filipino workers (OFWs), gayundin ang kanilang mga pamilya para makapagsimula ng technology-based enterprise sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni Secretary Fortunato dela Peña na nasa 25-30 OFWs lamang ang maaaring i-accommodate ng ahensya ngayong taon para sa naturang proyekto.