Magsasagawa ang Department of Science and Technology (DOST) ng training at certification para sa mahigit dalawandaan sampung libong miyembro ng Electoral Boards (EB) Na magsisilbi sa automated election system sa May 9 national elections.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ilalarga nila ang training at certification program sa Marso.
Ang mga miyembro ng board ay binubuo ng mga guro mula sa department of education na pinili batay sa criteria ng Commission on Elections (COMELEC).
Bago i-deploy sa field sa Mayo, dapat makumpleto anya ng mga E.B. Ang serye ng training programs, kabilang ang DOST Certification Program.
Nire-require sa Amended Automated Election Law o Republic Act 9369 na dapat pangasiwaan ng kagawaran ang certification ng members ng E.B. Bilang information technology-capable personnels na may kakayahang gumamit ng vote counting machine.