MAKIKIPAGSANIB-PUWERSA ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga nangungunang coconut processors upang maaprubahan ng Food and Drug Administration ang Virgin Coconut Oil (VCO) bilang lunas sa mga mild cases ng COVID-19.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara, makakatuwang ng VCO Producers & Traders Association of the Philippines Inc. ang Research Group ng ahensya para sa nasabing proyekto.
Sinabi ni Guevarra na lumitaw sa dalawang research at clinical studies na nakatutulong ang VCO upang mabilis na maka-recover ang COVID-19 patients o kayang lunasan ang impeksiyon na may “low viral load.”
Samantala, batay naman sa clinical trial sa virgin coconut oil na pinangunahan ng DOST-Food and Nutrition Research Institute sa Santa Rosa, Laguna, nadiskubre na mas mapapabilis ang mga paggaling ng ilang coronavirus cases matapos haluan ng VCO ang kanilang pagkain.