Nilinaw ni Science and Technology Secretary Renato Solidum na hindi nasira ng Bagyong Paeng ang apat nilang doppler radars.
Naka-istasyon ang mga naturang aparato sa Basco, Batanes; Virac, Catanduanes; Tampakan, South Cotabato at Iloilo City.
Ayon kay Solidum, bago pa man tumama ang Bagyong Paeng, isinasaayos na ang mga doppler radar matapos mapinsala ng mga “nagdaang bagyo” habang ang isa ay ililipat ng lugar.
Sa katunayan anya ay magdaragdag pa sila ng doppler radar sa ibang bahagi ng bansa upang mas lumawak at mapaganda ang weather forecasting ng PAGASA.
Samantala, bukod sa mga radar, tutukan din ng DOST ang pagdaragdag ng mga flood forecasting warning center maging ng mga personnel.