Binalaan ng Department of Science and Technology (DOST) ang publiko kaugnay sa pagbili ng face shield na umano’y gawa ng Metals Industry Research and Development Center (MIRDC) nito.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na nakatanggap sila ng balitang ang mga nasabing face shields na mayroong pangalan at logo ng DOST MIRDC ay ibinibenta online.
Ayon kay Dela Peña, ang mga nasabing face shields ay maramihang ginawa ng DOST para ibigay ng libre sa mga frontliners.
Kasabay nito, nanawagan si Dela Peña sa publiko sa donasyon ng raw materials para sa face shields tulad ng polypropylene at acetate sheets na aniya’y may kahirapang hanapin.