Nagsagawa ng dry run ang Department Of Science and Technology (DOST) nitong Martes para sa clinical trials ng mix and match ng bakuna kontra COVID-19.
Una itong isinagawa sa Marikina City kung saan aprubado na ang mismong site kung saan ito gaganapinat maging ang pasilidad para sa storage ng mga bakuna.
Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na maganda ang resulta ng dry run sa naturang lungsod.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, may nakahanda silang indemnification fund para sa pagpapagamot ng mga indibidwal na makararanas ng adverse effects sa clinical trials.
Nasa 400 doses ng Sinovac vaccine ang natanggap ng lungsod na gagamitin para sa pag-aaral.
Ayon sa DOST, inaantay na lamang nila ang pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) para masimulan na ang clinical trials.
Samantala, magsasagawa rin ng dry run para sa clinical trials sa Muntinlupa City at Davao City.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico