Naghahanap na ang Department of Science and Technology (DOST) ng tatlong libong kalahok para sa COVID-19 vaccine mix and match trials.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato De La Peña, pawang edad 18 pataas mula sa Maynila, Pasig, Marikina, Quezon City, Muntinlupa, Antipolo, maging sa Cebu City at Davao City ang kailangan nila.
Hahatiin anya ang trial sa tatlong grupo kung saan pag-aaralan ng unang grupo ang parehong bakuna sa ilalim ng parehong plataporma; tututukan naman ng ikalawaang paghahalili sa mga bakuna habang ang ikatlo ay magbibigay ng booster doses.
Una nang inihayag ng kagawaran na ang mga bakunang gagamitin sa trials ay Astrazeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik at Sinovac.
Nobyembre a 17 nang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 mix-and-match trials. —sa panulat ni Drew Nacino