Nangangailangan pa ang Department of Science and Technology (DOST) ng donasyon ng raw materials para maipagpatuloy ang paggawa ng mga face shield para sa mga medical frontliners.
Ayon kay DOSR executive director Robert Dizon, una nang nakapagpadala ang ilang mga manufacturers ng mga plastic acetate na gagamitin sa nasabing safety gear.
Ani Dizon, nauubos na rin ang mga ito kaya’t umaapela aniya siya sa mga may mabubuting puso na nais mag-donate.
May kakayahan umano ang DOST MIRDC na makagawa ng nasa 2,000 frames para sa face shields kada araw.
Nakatakdang ilaan ang mga ito para sa mga frontliner sa Philippine General Hospital.