Natapos na ng Department of Science and Technology (DOST) ang tatlong clinical trial kaugnay sa bisa ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang karagdagang gamot laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jaime Montaya, Executive Director ng DOST Council for Health Research and Development, napatunayan sa pag-aaral na pinapatay ng VCO ang virus lalo na kung ito ay kakaunti pa lamang.
Bukod dito, mas mabilis gumaling, naiiwasan ang kumplikasyon at hindi na kailangan ma-ospital ang mga pasyenteng gumagamit ng VCO.
Samantala, sinabi ng DOST na antayin lamang ang panghuling resulta ng pag-aaral para sa naturang gamot. —sa panulat ni Airiam Sancho