Nakipagpulong na ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga alkalde sa Metro Manila.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ito’y bilang paghahanda sa mga gagawing clinical trial sa bansa.
Sa ngayon aniya kasi ay hinihintay na lang ng ilang bakuna ang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) para masimulan na ang clinical trial ng mga ito sa bansa.
Sinabi ni Dela Peña na kakailanganin ang tulong ng mga alkalde para sa paghahanap ng mga volunteers para sa gagawing clinical trial sa bansa.
Mineet na namin ‘yung mga Metro Manila mayors para matulungan nila kami sa pagsasagawa no’ng clinical trials kasi pag nagrecruit na tayo ng volunteers doon sa mga areas nila, kailangan din ng tulong ng LGU,” ani Dela Penña.
Tiniyak naman ni Dela Peña na makatatanggap ng tamang kumpensasyon ang mga magvo-volunteer sa clinical trial.
May compensation sila kasi ‘yung kanilang pagka-abala sa araw na iyon, atsaka ‘yung kanilang meal sa araw na ‘yon, atsaka ‘yung kanilang transportation, ‘yon ang parang binibigyan ng compensation,” ani Dela Peña. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas