Target ng Department Of Science and Technology o DOST na masimulan ang clinical trials ng ivermectin bilang isang mabisang gamot para sa COVID-19 sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director of Philippine Council for Health Research Development in DOST, kung magiging mabilis ang pag recruit ng pasyente , sa loob lamang ng anim na buwan ay lalabas na ang resulata nito.
Dagdag pa ni Montoya, kung magkakaroon man ng side effects habang nasa clinical trials ang mga pasyente na may kinalaman sa Ivermectin , bibigyan ito ng indemnity claim at gagamutin ito dahil responsibilidad ito ng mga researcher.
Ang pag-aaral na ito ay pangungunahan ni Dr. Aileen wang sa Philippine General Hospital Quarantine Center.— sa panulat ni Rashid Locsin