Sinuportahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagbuo ng Ready to Drink (RTD) mula sa mga pananim na yacon, green carabao mango, at mint essence.
Ayon sa DOST, ang proyektong ito ay katuwang ang Lyceum of the Philippines (LPU) at Vinoca manufacturing sa ilalim ng Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy (CRADLE) program ng DOST.
Layunin ng proyekto na bumuo ng mga alternatibong inuming gawa sa mga nasabing prutas.
Samantala, muling iginiit ng kagawaran na ang proyekto ay makakatulong sa lokal na industriya ng inumin sa pagbabago ng mga domestic fruits sa shelf-stable RTD juice na maaaring maging kapaki-pakinabang sa lokal at internasyonal na mga merkado. —sa panulat ni Kim Gomez