Sisimulan na ng Department of Science and Technology sa Nobyembre ang pagkuha ng higit 1,464 sa gagawing 8 buwang clinical trial ng Ivermectin.
Sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Christina Guevara, na maaring kunin sa Cagayan Valley at Davao ang ilan sa mga volunteers kung kulangin pa sila ng mga lalahok.
Aniya, sa ngayon ay nagpapatuloy umano ang ‘pre-clinical trial’ ng Ivermectin at tinutukoy na rin ang posibleng mga lugar kung saan gaganapin ang naturang trial.
Matatandaan pinag-aaralan na ang pagbuo ng local Ivermectin capsules na maaring magamit bilang lunas sa mga sintomas ng Covid-19. —sa panulat ni Airiam Sancho