Tiwala ang Department of Science and Technology (DOST) na malaking tulong ang inilunsad nilang HazardHunterPH para makapaghanda ang mamamayan laban sa kalamidad at makaiwas sa disgrasya.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, sa pamamagitan ng isang click hindi lamang mapa ng mga fault line ang makikita sa HazardHunterPH kundi maging ang mga gusali tulad ng paaralan, ospital at iba pa ang pwedeng maapektuhan sakaling magkaroon ng lindol.
Nanawagan si Dela Peña sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa malapit sa fault lines, mga bulkan at karagatan na i-download ang application upang maging handa.
Ito’y isang common platform na nag-iinput na d’yan ‘yung iba’t ibang agencies, pati ‘yung mga resulta, halimbawa ‘yung mga ginawang maps ng mga geo-sciences bureau, pinag-contri-contibute ‘yan sa isang hanap mo lang ay makikita mo na kung ano-ano ‘yung mga hazard na matataas d’yan sa iyong lugar na itinatanong,” ani Dela Peña.
Balitang Todong Lakas Interview