Todo research ang DOST o Department of Science and Technology para mabawasan ang ibinubugang polusyon sa Pilipinas.
Kasunod na rin ito nang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Paris Agreement.
Ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña, dapat nang makasunod ang Pilipinas sa nasabing kasunduan na naglalayong mabawasan ng pitumpung porsyento nang ibinibugang polusyon.
Ang Paris Agreement ay kasunduan ng United Nations Framework Convention on Climate Change kung saan inoobliga ang halos 200 kasaping bansa na bawasan ang pagbuga ng dumi sa hangin at iba pang uri ng greenhouse gasses na sinasabing nagdudulot ng matitinding bagyo o tagtuyot sa ibat ibang panig ng mundo.
By Judith Larino