Bumaba ng 35% ang kita ng sektor ng turismo ng Pilipinas bunsod ng pagtama ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., tinatayang nasa P85-B lamang aniya ang kinita ng pamahalaan mula sa mga dumarating na dayuhang turista sa bansa sa unang bahagi ng 2020.
Higit na mababa aniya ito sa P134-B kinita ng sektor ng turismo noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Gayunman, sinabi ni Bengzon na kanila na itong inaasahan, alisunod na rin sa ulat ng united nations world tourism organization hinggil sa 30% pagbaba sa turismo sa buong mundo.
kasabay nito, tiniyak ni Bengzon ang patuloy na pagtulong ng dot sa mga negosyo at empleyado sa sektor ng turismo na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic gayundin pagpapatupad ng tourism response and recovery program plan.