Gumagawa na ng paraan ang Department of Tourism (DOT) para matulungang makauwi ang mga na-stranded na byahero o turista bunsod ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, personal siyang makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mga posibleng paraan upang makauwi na ang ilang turista.
Ani Puyat, siya mismo ay nais na niyang ayusin ang problema sa mga na-stranded na turista.
Dagdag ni Puyat maging ang kaniyang anak na si Vito na nasa Palawan ngayon ay hindi rin makauwi bunsod ng ECQ.