Hihilingin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang mga residente ng Metro Manila na makabisita sa Boracay sa pagbubukas nito muli sa ika-1 ng Oktubre.
Kasabay nito, ayon kay Puyat, ay hihilingin din nila sa IATF na maalis na ang age restriction kaya kahit 60-taong gulang o 20-taong gulang at pababa ay papayagan na rin dahil nagbi-biyahe naman ang mga Pilipino bilang isang pamilya.
Magugunitang nagsara ng anim na buwan noong isang taon ang Boracay para maayos ang sewage system nito at muling nagbukas noong Oktubre, subalit naapektuhan naman ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa unang bahagi ng taong ito.