Hindi natinag ang DOT o Department of Tourism sa magkakasunod na travel advisory na inilabas ng ilang bansa laban sa pagpunta sa ilang piling lugar sa Pilipinas.
Ayon kay DOT Regional Director Antonio Blanco, ang ginagawang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Zamboanga Peninsula at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao ay nagsisilbing patunay na ligtas sa nasabing mga lugar.
Aniya, dahil sa hindi sinasadyang pagsisilbing tourist ambassador ng Pangulo ay tumaas pa ang bilang ng mga bumibisitang turista partikular ang Caucasians.
Una nang nagpalabas ng travel advisory ang Amerika, Canada, Australia at Korea dahil sa presensya ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Bohol.
By Rianne Briones