Mangangailangan ng aabot sa P43-billyon ang sektor ng turismo para makabangon mula sa epektong idinulot ng COVID-19.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Robert Alabado, gagamitin ang naturang halaga para maka-adapt ang turismo ng bansa sa “new normal”
Kabilang sa mga proyektong paglalaanan ng pondo ay ang soft loans sa mga apektadong tourism enterprises, infrastructure projects, at institutional support program at private institution activities.