Kumambyo ang Department of Tourism sa naunang pahayag ni Secretary Wanda Tulfo-Teo na naka-apekto na sa sektor ng turismo ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations hinggil sa sinasabing extra-judicial killings.
Ayon kay Tourism Undersecretary Kat de Castro, anumang negatibong balita sa isang bansa ay sadyang naka-aapekto sa pananaw ng mga dayuhang turista.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay tourism undersecretary Kat de Castro sa DWIZ.
Itinuturing anya nilang hamon ang nagpapatuloy na anti-illegal drugs campaign ng gobyerno sa halip na mangamba sa negatibong epekto nito.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay tourism undersecretary Kat de Castro sa DWIZ.
By: Drew Nacino