Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na susunod ang mga turista at tourism establishment sa minimum public health standards sa pagbubukas ng bansa sa mga fully vaccinated foreign tourist simula Pebrero a-diyes.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, ang DOT, iba pang concerned national agencies, local government units at ibang tourism stakeholders ay magtutulungan para maiwasan ang posibilidad ng panibagong COVID-19 surge dala ng pagdagsa ng mga dayuhang turista.
Required anya ang foreign travellers na maging fully vaccinated, may negatibong RT-PCR tests dalawang araw bago ang kanilang departure at hindi na kailangang sumailalim sa quarantine.
Samantala, halos lahat na ng residente sa isla ng boracay sa Malay, Aklan, na pangunahing tourist destination sa bansa ay binakunahan na, kabilang ang mga edad 12 hanggang 17.
Simula naman ngayong araw ay balik na sa alert level 2 ang national capital region (NCR), Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte at Basilan.