Lumagda sa isang kasunduan ang Department Of Tourism kung saan layon nitong matulungan ang mga Small Business Corporation (SB Corp.).
Sa ilalim ng nasabing kasunduan magkakaloob ang DOT ng loans sa micro, small at medium enterprises na nasa ilalim ng tourism industry.
Inaasahang makatutulong ito sa pagbangon ng industriya ng turismo ng bansa na lubos ding naapektuhan ng pandemya.
Sa pamamagitan ng DOT at SB Corp’s Cares for travel program, ang mga tourims MSMEs ay magkakaroon ng access sa zero interest, no collateral loans na mayroong loan term period hanggang 4 na taon.
Ang mga negosyanteng balak mag-loan ay kinakailangan lamang magbayad ng maliit na halaga para sa service fee.