Inihayag ni Department of Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat na makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa mga patakaran para sa fully vaccinated travelers.
Aniya, ito’y kaugnay sa desisyon ng gobyerno na payagang makapasok sa bansa ang mga bakunadong dayuhan mula sa visa-free countries simula Pebrero 10.
Paliwanag ni Puyat, dapat pa rin aniyang kausapin ang mga LGU kaugnay sa posibleng karagdagang patakaran kung saan kabilang rin dito ang national policy ng IATF sa pagsunod sa minimum health and safety protocols.
Umaasa naman si Puyat na mapapadali paglalakbay ng mga dayuhan para mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa.–-sa panulat ni Airiam Sancho