Makikipagtulungan ang Department of Tourism (DOT) sa tourist destination at heritage sites na matatagpuan sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol kahapon.
Ito’y ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco kung saan inatasan niya ang regional offices na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para alamin ang pinsala sa lugar at upang makapaghatid ng tulong sa tourism-related establishments.
Bukod dito, naglabas rin ng direktiba si Frasco sa Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) para sa tulong na maibibigay sa cultural at heritage sites.
Nabatid na dalawang ari-arian na pag-aari ng TIEZA ang napinsala ng lindol partikular na ang Banaue Hotel and Youth Hostel at Mt. Data Hotel.
Kabilang din sa naapektuhang tourism sites sa ang Sta. Catalina de Alexandria Church at San Lorenzo Ruiz Shrine.