Nananawagan ang Department of Tourism (DOT) sa lahat ng mga magtutungo ng Boracay Island na maging responsableng turista.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang pagbubukas ng isla sa mga lokal na turista kabilang na ang galing sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Oktubre.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat, dapat hindi makalimutan ng mga biyahero na nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa kabila ng pagbubukas ng turismo sa Boracay Island.
Kinakailangan pa rin aniya ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards tulad ng palagiang pagsusuot ng facemask, pag-obserba sa physical distancing at paghuhugas ng kamay.
Binigyang diin ni Puyat, nakasalalay sa mga turista ang pananatili ng boracay island bilang COVID-19.
Una nang sinabi ng kalihim na isa sa hinihinging requirements ang pagkakaroon ng negatibong resulta sa RT-PCR COVID-19 test, dalawa hanggang tatlong araw bago ang biyahe patungong Boracay Island.