Muling bubuhayin ng Department of Tourism ang programa na magbibigay ng insentibo sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga pinoy sa abroad na magdadala ng bisita sa bansa.
Ito ang sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco sa pagdinig ng 2023 budget ng dot na ang “Bisita Be my Guest” ay isang incentive program para sa mga naturang indibidwal.
Kabilang sa mga iniaalok na insentibo ay raffle prizes mula sa ahensya, travel passport at discount cards na magagamit sa byahe at akomodasyon.
Iginiit naman ni Frasco na ang kaibahan ng nasabing proyekto sa “balikbayan program” ay dinala na ito sa digital age kung saan maaaring ma-access ang mga nabanggit na perks at incentives.
Samantala, iminungkahi ni binay na ipakilala na sa “pre-departure seminar” ng mga paalis na OFW ang programa para mai-download na ito ng mga kababayan.