Naglabas ng mahigit kalahating bilyon ang Department of Tourism (DOT) mula sa budget nito ng walang kaukulang documentation.
Ayon ito sa annual report ng Commission on Audit (COA) kung saan malaking bahagi o halos P300-M ng pondo ng DOT ay ginastos sa pagho-host ng ASEAN summit noong November 2017.
Nakapagtala ang DOT region 3 ng halos 200 approved disbursements na nagkakahalaga ng P6.3-M at 22 liquidation reports na nasa mahigit P400,000.
Isa rin ang DOT region 13 sa mga tanggapan ng ahensya na mayroong pinakamataas na undocumented disbursements, kasama ang bayad sa mga biyahe sa ibang bansa ng mga opisyal na nasa halos P90,000 at sweldo ng regular employees at job order personnel na nasa P4.5-M.
Nangako naman ang DOT na isusumite ang mga kinakailangang dokumento na hinihingi ng COA para sa mga nasabing disbursements.