Nagpaalala ang pamunuan ng Tourism Department sa mga local government units (LGUs) sa bansa na huwag nang gumawa ng sari-sariling patakaran na lihis o di naman kaya’y hindi akma sa panuntunan na mayroon ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Tourism spokesperson Undersecretary Benito Bengzon Jr. na kanila nang naayos ang isyung ito pero patuloy pa rin ang ginagawang monitong sa pagtalima ng mga LGUs.
Paliwanag ni Bengzon na may uniform o iisang sistema ang umiiral sa bansa hinggil sa domestic travelers lalo na sa mga kalapit na lalawigan ng Metro Manila.
Mababatid na mula sa dating police at LGU clearance, maaaring negative test result na lang ngayon ang kakailanganing iprisinta sa isang probinsya.