Nagpalabas ng listahan ng mga accredited hotels at accommodation establishments sa isla ng Boracay ang DOT o Department of Tourism.
Kabilang dito ang 68 mga establisimyento na may katumbas na mahigit 3,500 mga kuwarto na maaaring tuluyan ng mga turista sa muling pagbubukas ng isla sa Oktubre 26.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakasunod ang mga nabanggit na hotel at establisimyento sa itinakdang requirements ng Department of Environment and Natural Resources, Interior ang Local Government at maging ng DOT.
Sa Lunes, Oktubre 15 nakatakda ang dry run at soft opening ng isla ng Boracay na tatagal hanggang Oktubre 25 bago ang pormal na pagbubukas nito sa Oktubre 26.