Lumobo pa sa halos 18k turista ang dumagsa sa isla ng Boracay, sa Malay, Aklan sa unang tatlong linggo ng Oktubre o matapos alisin ang Modified Enhanced Community Quarantine sa lalawigan, kumpara ito sa mahigit 6,700 turista noong Setyembre.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bukod sa nawalang kita, nabahala rin ang kagawaran sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng mga manggagawa sa isla.
Umaasa naman si Puyat na tuluyan nang manunumbalik ang industriya ng turismo sa pangunahing tourist destination ng bansa sa oras na alisin na ang swab test sa mga magbabakasyon sa Bora.—sa panulat ni Drew Nacino