Kumpyansa ang Department of Tourism (DOT) na patuloy na mangunguna ang Pilipinas sa mga nais puntahan ng mga dayuhang turista sa kabila ng mga hamon ng kalamidad na kinahaharap ng bansa.
Sa pagdalo sa World Travel Market (WTM) 2022 sa London, sinabi ni tourism secretary Christina Frasco na napakarami ang maaring maipagmalaki ng ating bansa.
Aniya, sa Pilipinas lamang makikita ang tatlo sa nangungunang 25 isla sa mundo, tulad ng Cebu, Palawan at Siargao.
Bukod dito, nariyan din ang Boracay na nakasama sa 50th places of the year ng TIME magazine.
Ipinagmalaki rin ni Frasco na napili ang bansa bilang Asia’S leading dive at beach destination at Asia’s leading tourist attraction.
Nabatid na ang pagdalo ng bansa sa naturang travel market ay upang hikayatin ang mga malalaking sektor na bisitahin ang Pilipinas.