Pinag-aaralan ng Department of Tourism na gawing tourism hub ang Marawi City kapag natapos na ang kaguluhan sa lungsod.
Ayon kay Tourism Undersecretary Ricky Alegre, nasa proseso na sila ng pagsasagawa ng draft para sa tourism plan sa nasabing lungsod.
Kasabay nito, tiwala si Alegre na malapit nang matatapos ang kaguluhan sa Marawi City at tuluyan nang mababawi ng pamahalaan ang lungsod mula sa Maute group sa mga susunod na araw.
Una rito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ang pamahalaan ng sampung bilyong pisong pondo para sa rehabilitasyon ng lungsod.
By Krista De Dios
DOT pinag-aaralan na gawing tourism hub ang Marawi City was last modified: June 25th, 2017 by DWIZ 882