Pinapurihan ng Department of Tourism (DOT) ang grupo na nasa likod ng pagbuo sa disenyo at pagsasaayos ng Mactan – Cebu International Airport Terminal 2.
Ito ay matapos makuha ng nabanggit na paliparan sa Cebu ang pinakamataas na parangal sa completed buildings – transport category ng 2019 World Architecture Festival.
Ayon sa DOT, sinasalamin ng maliwanag at malawak na espasyo ng gusali ng Mactan – Cebu International Airport Terminal 2 ang kultura ng hospitality ng mga Pilipino.
Anila, kinakatawan ng bubong ng paliparan ang karagatan habang ang interior o loob na disenyo nito ay ang katawan ng isang barko.
Likha ng Hong Kong – based architectural firm na integrated design association at Budji – Royal Kenneth Cobonpue ang disenyo ng Mactan – Cebu International Airport Terminal 2 habang hinawakan naman ng Megawide Corporation at India’s GMR group ang pagsasagawa nito.