Sasailalim din sa self-quarantine si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.
Ito ayon kay Puyat ay dahil nagkaruon siya ng exposure kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Felimon Santos Jr. na nakasama niya sa isang pulong nuong March 20.
Sinabi ni Puyat na wala naman siyang nararanasang sintomas kayat hindi muna siya magpapa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Tiniyak naman ni Puyat na gagampanan pa rin niya ang tungkulin habang naka self- quarantine.