Inamin ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na daan daan ang mawawalan ng trabaho kapag ipinasara ang Boracay.
Dahil dito ipinabatid ni Teo na nakipag ugnayan na siya sa Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng bagong trabaho ang mga maaapektuhang manggagawa sa isla.
Tinukoy ni Teo ang posibilidad na pumasok ang mga mawawalan ng trabaho bilang bahagi ng demolition team na wawasak sa mga iligal na istruktura rito.
Uubra rin aniyang mag trabaho ang mga ito bilang bahagi naman ng construction team.
Batay sa data na hawak ng DOT halos 18,000 ang nag ta-trabaho sa isla at karamihan dito ay galing pa sa ng Metro Manila, Cebu, Negros at ilang probinsya sa Luzon.
RPE