Nadismaya ang isang tiktok personality, hinggil sa pagkawala ng kaniyang mga mamahaling gamit nang dumating sa NAIA Terminal 3.
Ayon kay Adrian ‘Ady’ Cotoco, sakay siya ng eroplano ng Etihad Airways galing Madrid, Spain.
Dito niya na nakita na sira ang isa sa kaniyang tatlong maleta na naglalaman ng pasalubong na nagkakahalaga ng daan-daang libong piso.
Agad na nagtungo sa tanggapan ng Etihad Airways si Cotoco at naghain ng police report.
Samantala, humingi naman ng tawad ang Manila International Airport Authority (MIAA) ukol sa insidente.
Depensa ng MIAA, hindi sa pilipinas nasira ang maleta dahil batay sa ginawang imbestigasyon, sa mga foreign airports kung saan nag stop-over si Cotoco papuntang Maynila naganap ang insidente.—sa panulat ni Hannah Oledan