Target ng Department of Tourism (DOT) na maabot ang 4.8 million na bilang ng international visitor arrivals sa Pilipinas sa susunod na taon.
Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, inaasahang papalo sa 5.8 billion dollars ang magiging kita ng bansa kung maaabot ang nasabing target na malaking tulong para sa mabilis na panunumbalik ng sigla sa sektor ng turismo at ekonomiya.
Sa datos ng DOT, nasa 2.46 milyong turista na ang dumating sa bansa ngayong taon na nagbigay ng P149 billion na kita sa tourism sector.
Sa ngayon, plano ng gobyerno na malagpasan ang pre-pandemic figures ng mga dumadating na turista sa Pilipinas bago sumapit ang taong 2025.