Ito ang ginawang pagtitiyak ni Department of Tourism o DOT Assistant Secretary Ricky Alegre kasunod ng mga inilabas na travel advisory ng Amerika, United Kingdom at Canada sa kanilang mga mamamayan na huwag munang magtungo sa nasabing lugar dahil sa banta ng terorismo.
“We are monitoring, ang importante sa amin is yung agad na pag-augment ng puwersa ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at PNP (Philippine National Police) sa Palawan, itong terror threat is a modern day hazard, at kung hindi talaga safe pati kami sa DOT will tell the world na huwag munang puntahan ang lugar pero sa monitoring namin sa Palawan, it is safe to go.” Ani Alegre
Idinagdag ni Alegre na isa ang Palawan sa mapayapang lugar sa bansa.
“In our data kasi zero crime incidence ang Palawan, in fact 65 percent of the 1 million visitors in Palawan ay mga domestic tourist, mga kababayan natin at sa top 10 ang pinakamataas sa foreign ay tourists from America.”Dagdag ni Alegre
Bagamat naiintindihan aniya niya na responsibilidad ng ibang bansa na paalalahanan at pangalagaan ang kanilang mga mamamayan ay binigyang diin ni Alegre na mahalagang hindi rin lang dapat basta-basta ang paglalabas ng mga travel advisory.
“Sana naman magbigay ka ng advisory for a few days, nakita mo yung ginawa ng South Korea sa Bohol recently, 1 week lang siya, dated, hindi siya open dated, ang problema mag-iisyu wala nang pag-lift ng inisyung travel advisory.”Pahayag ni Alegre
Iginiit ni Alegre na pinaka-importante pa rin ang pagtutulungan at pagiging alerto ng mga Pilipino bilang isang bansa laban sa mga banta ng terorismo.
“Nakita mo yung nangyari sa Bohol, dahil sa collaboration ng community, barangay at mga authorities ay nahuli (ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group), in fact nagbigay na ng reward.”
By AR | Ratsada Balita (Interview)
DOT tiniyak na ligtas puntahan ang Palawan was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882