Tiwala ang Department of Tourism (DOT) na papayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga turista sa Baguio City.
Kasunod na rin ito nang isinagawang inspeksyon ng DOT sa mga tourist attractions sa lungsod.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nagdadasal silang bumaba pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Baguio City at may go-signal na sila mula sa Department of Health (DPH) na maaari nang tumanggap ng bisita ang lungsod simula bukas, ika-1 ng Hunyo.
Samantala, inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tatanggapin nila ang mga bisita kung susunod ang mga ito sa health and safety protocols.
Para makabisita sa Baguio City, ang mga turista ay dadaan sa checkpoint matapos ang Rosario, La Union Toll Plaza para makakuha ng pass through card at pagdating sa lungsod, didiretso ang mga turista sa triage area para isumite ang kanilang PCR test at QR codes mula sa Baguio Vista.