Todo-todo na ang paghahanda ng Department of Tourism (DOT) para buksan muli ang mga tourist destinations sa ibat ibang lugar sa bansa.
Ipinabatid ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nakikipag ugnayan na sila sa local government units para sa domestic tourism sa ilalim ng tinatawag na new normal gayundin sa mga establishments hinggil sa tourism related opening na unti unti nilang isinasagawa upang mabuhay muli ang turismo sa bansa.
Sa mga restaurant establishments sinabi ni Puyat na mayruon na rin silang ugnayan sa DTI at DOLE sa pag accredit ng mga restaurants.
Tiwala si Puyat na sa kabila ng pandemic ay marami ang magpapa accredit dahil sa pag waive sa accreditation fees para sa tourism related establishments.
Sa ilalim naman aniya ng general community quarantine (GCQ) ay uubfra nang magbukas ang turismo ng limampung porsyento tulad ng boracay na nagbukas nitong nakalipas na Hunyo 16 para lamang sa domestic tourism.