Umaasa ang Department of Tourism na mabubuksan na sa publiko sa Oktubre 26 ang isla ng Boracay.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sa ngayon ay kanilang tinitiyak na nasusunod ang mga batas pangkalikasan sa Boracay bago ito muling buksan sa mga turista.
Katuwang umano nila rito ang Department of Environment and Natural Resources na pinangungunahan ang “Boracay Task Force” na nagsasagawa ng rehabilitasyon sa isla.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, na muli lamang bubuksan ang Boracay sa oras na matapos na ang rehabilitasyon.