Target ng Department of Tourism (DOT) na mapataas ang foreign tourist arrivals ng bansa ngayong taon.
Ito’y sa sandaling aprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasunod ng pagpayag nito na papasukin na sa bansa ang mga bumibisitang Overseas Filipino Workers (OFW)’s.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo – Puyat, umaasa silang bubuksan na rin ng pamahalaan ang pilipinas para sa mga dayuhan na siyang may malaking ambag sa sektor ng turismo.
Binigyang diin ng kalihim na ang pagbubukas muli ng bansa para sa mga dayuhang turista ay nangangahulugan ng karagdagang trabaho sa mga Pilipino.
Sa ganitong paraan aniya, tiyak na maka-aahon na ang mga Pinoy mula sa matinding epektong dulot ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya at kabuhayan.