Umaasa ang Department of Tourism (DOT) na mas tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong mabibigyan ng trabaho dahil sa mas maluwag na restriksyon sa bansa.
Ayon sa DOT, sa tulong na rin ng Tourism-related Industries at pag-alis ng Test-before-Travel, unti-unti nang bumabangon ang turismo sa Pilipinas.
Sinabi ng ahensya na nananatiling prayoridad ang panunumbalik ng kabuhayan ng tourism workers at pagpapanatili sa pagdami ng mga dayuhang turista ngayong taon.
Sa datos ng DOT, nasa upward trend pa rin ang tourist arrivals kung saan 682,949 ang naitala sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo habang umabot naman sa 5.2% ang kontribusyon ng Tourism Direct Gross Value added sa GDP ng bansa noong 2021 base sa naging datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Kumpiyansa naman ang DOT na magpapatuloy ang pagsigla ng industriya ng turismo sa gitna ng pandemya.